Isang van, inararo ang mga naglalakad sa kalsada sa London

25

World – Inararo ng isang van ang mga taong naglalakad sa kalsada sa seven sisters road malapit lamang sa mosque sa London.

Ayon sa metropolitan police ng Uk – katatapos lamang magdasal ng karamihan sa mga biktima sa finsburry park mosque nang sila ay araruhin ng van.

May mga naitalang ‘casualties’ sa insidente, pero hindi pa tinutukoy ng mga otoridad kung may nasawi o nasugatan lamang.

Isa rin ang inaresto ng UK police at kasalukuyang ini-imbestigahan.

Dahil sa insidente, isinara ang northbound lane ng seven sisters road.
Photo from: npr.org

Facebook Comments