Isang vintage bomb, nahukay sa isang construction site sa Caloocan City

42

Pinag-iingat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Debold Sinas ang mga nagtatrabaho sa MCU Construction Site sa Caloocan City kung saan itinatayo ang bagong hospital building.

Ito ay makaraang makahukay muli ng isang vintage bomb sa lugar na posibleng nagdulot ng pinsala at panganib kung hindi agad nai-report sa mga otoridad.

Base sa report ng pulisya, ang vintage bomb na Rocket 2.75 inches Projectile ay nakita ng Backhoe Operator na agad niyang ipinaalam sa Caloocan City Police Station.

Mabilis namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Caloocan Police Station Explosive Ordnance Disposal (EOD) Canine Unit.

Bukod dito, kamakailan lang ay may nakita rin sa lugar na isang 250 pound na General Purpose Bomb.

Facebook Comments