Isang walong taong gulang na bata, patay matapos malunod

Pagadian City, Zamboanga del Sur–Patay ang isang walong taong gulang na batang babae makaraang malunod sa baybayin ng Purok Pagaypay A. Brgy. Kawit, Pagadian City lalawigan ng Zamboanga del sur.
Kinilala ang biktima na si Arselyn Sortones, residente sa Bakhaw B, Barangay Kawit sa naturang lungsod.
Sa panayam ng RMN-DXPR Pagadian kay Richard Lubitania ang nakakita sa bangkay ng bata sa loob ng imburnal, bandang alas-otso ng umaga nang mangyari ang ¬insidente habang naliligo di-umano ang bata kasama ang kanyang mga kaklase.
Sinabi naman ni Brgy. Councilor Jun Andale Jr. na lalagyan nila ng warning signs ang lugar kung saan nangyari ang insidente upang di maulit ang pangyayari. halos di rin makapaniwala ang ama ng biktima sa kanyang nakita na bangkay na ang kanyang anak ng itoy dalhin sa kanilang bahay. (Kenneth Alvin Bustamante/dxpr News Team)
DZXL,DZXL558,RMN-DXPR Pagadian 603, Kennethu Alvin Bustamante, Pagadian, Zamboanga del Sur

Facebook Comments