Isang Wanted na Lolo, Naaresto

Cauayan City, Isabela – Arestado ang isang wanted sa batas matapos siyang silbihan ng arrest warrant dito sa Cauayan City, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan News Team mula sa PNP Cauayan, ang naaresto ay si Eliseo Sahagun y De Guzman, 60 anyos, ng Nabaccayan, Gattaran, Cagayan at tumira sa District 1, Cauayan City, Isabela.

Ang arresting team na galling pa sa Cagayan ay pinangunahan ni PCI Rodel Tabulog, PSI Ferdinand Datul, SPO1 Jesus Guban, PO3 Sherwin Gamit, PO2 Ruben Andres, ilang kasapi ng Highway Patrol Group at PNP Cauayan.


Ng inaresto ay may kasong pagpatay na nakasalang sa RTC Branch 9 ng Aparri, Cagayan.

Ang mandamyento de aresto na isinilbi umaga ng Setyembre 27, 2017 ay mula kay Judge Conbrado T. Tabaco ang presiding judge ng naturang korte.

Walang rekomendadong piyansa sa kaso ng naaresto at agad ding ibiniyahe ito pabalik ng lalawigan ng Cagayan.

Facebook Comments