
Ninakawan ng hindi pa nakikilalang salaring ang isang warehouse sa Brgy. Mancup, Calasiao, Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, napansin ng isang kasamahan nila ang nawawalang mga parcel sa warehouse.
Nakita na bahagyang nakabaluktot ang bakal na pinaniniwalaang naging lagusan ng suspek.
Ayon pa sa ulat, pinutol umano nito ang CCTV power cord at puwersahang binuksan ang vault, at tinangay ang pera.
Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente at sa pagkakakilanlan ng suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









