Isang welder patay matapos mabaril sa cot.city

Patay ang isang welder matapos itong mabiktima ng pamamaril kahapong alas otso ng umaga sa purok 4 barangay Tamontaka 4 cot.city. Kinilala ang biktima sa pangalang Gino Miral 23 anyos na residente ng Labungan Datu Odin sinsuat maguindanao..siyay nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan mula sa caliber 45 pistol na baril.
Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP3, sakay umano ang biktima ng kanyang payong-payong kasama ang dalawa pa nitong kasamahan na patungo sana ng tinatrabahuan nilang health center project ng harangan ng apat katao at walang kaabog abog na pinagbabaril ang driver.
Maswerte namang nakatakas ang dalawang kasamahan nitong kasamahan,Sa ngayon blanco pa ang kapulisan sa motibo ng krimen.

Facebook Comments