Isanlibong Drug Personalities, Pasok Sa Bagong Drug List Ni Pangulong Duterte

10

MANILA – Sa halip sagutin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alegasyon ng nagpakilalang ‘hitman’ ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato.Hindi na nagpaunlak ng panayam sa mga media si Pangulong Duterte matapos itong bumisita sa mga opisyal ng Scout Rangers sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan.Sa halip, isiniwalat na lamang nito na kanya nang hawak ang mga pangalan ng nasa isanlibong personalidad na nasasangkot sa droga.Giit ng pangulo, malulula ang publiko sa kanyang bagong listahan na kinabibilangan ng ilang kongresista, gobernador, hukom at ilan pang local officials.Tiniyak rin ng pangulo na dumaan sa validation ng PDEA, PNP at NBI ang nasabing listahan.Pero, tumanggi ito na sabihin ang mga pangalan na nasa kanyang bagong listahan maliban na lamang sa ilang miyembro ng pamilya Alcala sa Quezon.

Facebook Comments