Isanlibong pamilya, nawalan ng tirahan sa sumiklab na sunog sa Cavite City

Nasa isanlibong pamilya ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa isang residental area sa Cavite City kahapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection – Cavite City, umabot sa ikatlong alarma ang sunog at nagtagal ng higit siyam na oras.

Sa isang panayam, sinabi ni Cavite City Mayor Denver Chua na patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa insidente pero lumalabas sa inisyal na ulat ay electrical wiring ang naging mitsa ng sunog.


Kasalukuyan namang nanunuluyan sa Ladislaop Diwa Elementary School ang mga apektadong pamilya kaya idineklarang wala munang pasok sa nasabing paaralan.

Facebook Comments