ISARA? |Dept. of Tourism, inirekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang Boracay sa loob ng 60 araw

Manila, Philippines – Irerekomenda na ng Dept. of Tourism kay Pangulong Rodrigo Duterte na isara ng 60 araw ang isla ng Boracay para maayos ang mga problema sa sewage system at sa mga establisyimento.

Ayon kay DOT Sec. Wanda Teo, oras na pumayag ang pangulo, posibleng ipatupad ang pagsasara ng isla mula hunyo hanggang hulyo o sa panahon ng habagat habang wala masyadong turista.

Sa kabila ng nakaumang na pagsasara ng isla, mas dumami pa ang turistang bumibisita sa Boracay ngayong taon.


Sa tala ng dot, nasa 48,904 ang turistang pumunta mula Pebrero 12 hanggang 18 ngayong taon na mas mataas ng 15 percent mula sa parehong mga araw noong 2016.

Facebook Comments