MANILA – Kasado na ang isasagawang kilos protesta ng mga militanteng grupo sa paggunita ng Labor Day, bukas.Ayon kay Kilusang Mayo Uno (KMU) Secretary General Jerome Adonis, hindi nila nararamdaman na espesyal ang araw ng paggawa.Aniya, isa sa magiging highlight ng kanilang protesta ang pagsunog sa malahalimaw na effigy.Kaugnay nito, tiniyak ng National Capital Regional Police Office o NCRPO na idedeploy nila ang kanilang civil disturbance management at human rights officers para sa pagdiriwang ng araw ng paggawa.Sinabi ni NCRPO Chief Director Joel Pagdilao, ipinag-utos na niya ang pagdaraos ng mga seminar hinggil sa batas pambansa 880 o public assembly, police operational procedures at iba pang bagay na may kinalaman sa Labor Day.
Facebook Comments