ISASAILALIM | 4 na DENR officials, na-sibak sa posisyon dahil sa landslide sa cebu, pinaiimbestigahan na rin ng ahensya

Isinailalim na rin sa imbestigasyon ang apat na opisyal ng Mines and Geosciences Bureau na natanggal sa pwesto kasunod ng landslide sa Naga City, Cebu.

Kinumpirma ni Environment Usec. Benny Antiporda na sibak sa pwesto sina MGB Region 7 Director Loreto Alburo, MGB 7 Finance and Administration Chief Gerardo Mahusay, Chief Geologist Al Emil Berador at Supervising Geologist Dennis Aleta.

Paglilinaw ni Antiporda, inalis ang mga ito sa pwesto habang isinasailalim pa sa imbestigasyon kaugnay sa nangyaring insidente ng pagguho ng lupa.


Aalamin sa pagsisiyasat kung may mga pagkukulang at lapses sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko kaugnay ng katatagan ng lupa sa quary site sa Naga City.

Napag-alaman na idineklara ng mga nasibak na opisyal na walang emminent danger sa lugar kahit pa may nakita nang mahabang bitak sa lupa matapos na makapag-relocate ang nasa 32 pamilya.

Facebook Comments