ISASAILALIM | Mga opisyal ng Barangay na kabilang sa narco-list ng PDEA, itotokhang ng PNP

Manila, Philippines – Isasailaim ng Philippine National Police (PNP) sa oplan tokhang ang mga opisyal ng Barangay na pinangalanan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sangkot sa iligal na droga.

Sinabi ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, hinihintay na lang nila ang validated narco list mula sa PDEA.

Kakatukin at pakikiusapan anya nila lahat drug user o protektor man ng iligal na droga.


Kung drug user, isasailalim anya ang mga ito sa rehabilitation habang kung protektor, hahanapan ng ebidensya at sasampahan ng kaso.

Posible anyang isyuhan ng search warrant ang mga nasa narco list at maging target ng anti drug operation.

Iginiit ni PNP Chief na kung ano man ang ginagawang tokhang sa mga ordinaryong sibilyan ganun din ang ipatutupad sa mga Brgy. officials.

Facebook Comments