Manila, Philippines – Nakatakdang sumalang sa Commission on Appointments (CA) sa Miyerkules, November 28 si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.
Ayon kay CA Committee on Foreign Affairs Chairperson, Senator Panfilo Lacson – inaasahang makukumpirma si Locsin na walang alinlangan.
Bukod kay Locsin, isasalang din sa deliberasyon ang appointment ng nasa 47 iba pang opisyal ng DFA na susundan ng isang plenary session.
Naniniwala naman si Lacson na hindi magiging madali ang paglusot nina Interior Secretary Eduardo Año at Social Welfare Secretary Rolando Bautista na dawit sa ilang kontrobersiya.
Kasabay nito, inaasahang kukumpirmahin ng CA ang appointment ni Senator Gringo Honasan na itinalagang pinuno ng Department of Information and Communications Technology (DICT) bago mag-break ang Kongreso sa December 14.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>