Isasampang kaso ng Bayan Muna sa Korte Suprema kaugnay sa 2025 national budget, handang harapin ng liderato ng Kamara

Haharapin ng liderato ng Kamara ang anumang kasong isasampa ng Bayan Muna Partylist sa Korte Suprema laban sa ipinasang 2025 pambansang pondo sa Kongreso.

Sa ambush interview sa Malacañang, idinipensa ni House Speaker Martin Romualdez na sumailalim sa masusing pagbusisi ng mga mambabatas ang P6.352 trillion na panukalang pambansang budget.

Giit pa ni Romuladez, dumaan din ito sa normal na proseso taliwas sa sinasabi ng Bayan Muna.


Pero karapatan aniya ng grupo kung nais nilang magsampa ng kaso at kung mayroon aniyang course of action ang sinumang grupo ay magkita-kita na lamang sila sa Korte Suprema.

Matatandaang inihayag ng Bayan Muna na iaakyat nila sa Korte Suprema ang usapin ng pagpasa ng Kamara sa 2025 budget dahil hindi anila ito dumaan sa tamang parliamentary procedure.

Facebook Comments