ISASAPRIBADO | Libing ni Kim Jonghyun, pangungunahan ng Shinee Group

Showbiz – Magiging pribado ang libing ng yumaong K-Pop idol at Shinee Group Member na si Kim Jonghyun.

Ito ang sinabi ng SM entertainment na siyang humahawak sa Shinee Group at sasagot sa libing ng 27-year-old na lead singer.

Pangungunahan naman ng natitirang apat na miyembro ng grupong Shinee ang burol ng kasamahan nila bilang huling pamamaalam sa kanya.


Dahl dito kinansela na muna nina Onew, Minho, Key at Taemin ang kanilang mga concert sa ibang bansa para samahan ang naulilang pamilya ng pumanaw na kasama.

Martes ng gabi nang matagpuang walang ng buhay sa loob ng kanyang bahay sa South Korea si Jonghyun matapos itong mag-suicide dahil sa depresyon.

Facebook Comments