ISASAPUBLIKO | 93 na narco politics, ilalabas na ng PDEA sa loob ng dalawang linggo

Manila, Philippines – Ilalabas na sa loob ng dalawang linggo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangalan ng siyamnaput tatlong pulitiko na sangkot sa operasyon ng illegal na droga.

Sa isang press conference, sinabi ni PDEA Director Aaron Aquino na muli isinailalim sa validation ng apat na ahensya ang narco list.

Ayon pa kay Aquino, halos kalahati o aabot sa 60 ay pawang mga mayor, may ilang vice mayors at mga kongresista.


Kabilang sa mga narco politicians ay mula sa Region 4A, Region 10 at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Idinagdag niya na halos karamihan sa nasa narco list ay alam na pasok sa listahan.

Sa katunayan, may mga pagtatangka na ang mga ito na linisin ang kanilang pangalan kay Pangulong Duterte habang ang ilan na taga Mindanao ay kinasuhan na.

Facebook Comments