Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na muling masisilayan ng publiko ang blood relic ni Saint John Paul II upang tumanggap ng grasya ng Diyos sa pamamagitan ng ating pinakamamahal na Santo Papa sa Manila Cathedral.
Ayon kay Cardinal Tagle sa kanyang Facebook page unang nasilayan ng publiko ang blood relic ni Saint John Paul II noong April 7 hanggang 8 sa Manila Cathedral ngayon taon at muling bubuksan sa publiko simula kaninang alas 6 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi, bukas Sabado simula alas 9 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi at Linggo Mayo 20 simula alas 6 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi sa makasaysayang simbahan sa Manila Cathedral.
Paliwanag ni Cardinal Tagle ang pangalawang public exposition and veneration ng blood relic ng Santo Papa ay sinimulan ngayon ng kanyang ika 98th na kaarawan.
Giit ng Cardinal si Saint Pope John Paul II ay malapit sa mga Pilipino kaya binuksan nito ang kanyang puso upang tanggapin ang biyaya ng Panginoong Hesukristo sa pamamagitan ng panalangin ng naturang Santo Papa.