ISASAPUBLIKO | Inter-agency task force on federalism, magsasagawa ng pinal na pulong

Manila, Philippines – Nakatakdang gawin ngayong linggo ang pinal na pulong ng inter-agency task force on federalism.

Ayon kay PCO Secretary Martin Andanar, isasapubliko nila kung sinu-sino ang mga spokesperson sa federalism sakaling maisapinal na ito.

Aniya, nais na rin nilang masimulan ang pangangampanya ng pederalismo sa lalong madaling panahon.


Sabi naman ni Andanar na kabilang sa una nilang tutukan para rito ang pagbuo ng TV at radio advertisement.

Makikipag-ugnayan rin aniya ang PCO sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP para sa information dissemination campaign ng pamahalan hinggil sa pederalismo.

Dagdag pa ni Andanar, nangangailangan rin sila ng mga volunteer para sa kampaniya at ang mga nais makilahok ay maaaring makipag-uganyan sa kanilang tanggapan.

Facebook Comments