ISASAPUBLIKO | Mahigit P1-B halaga ng mga bagong biling equipment ng PNP, ipi-presenta ngayong araw

Manila, Philippines – Ipi-presenta ng Philippine National Police (PNP) sa media ngayong umaga ang kanilang mga bagong biling equipment o dagdag kagamitan na aabot sa halagang mahigit isang bilyong piso.

Sa ulat ng PNP Public Information Office, isasapubliko at isasagawa ang blessing ceremony mamaya para sa mga biniling 387 units ng Patrol Jeep, 235 units ng Leisure Travel Vans, 41 units ng Van at 138 units na rubber boat.

Ipi-presenta rin ang 313 units ng Basic Assault rifle, 320 units ng 5.56mm light machine gun at 231 units ng 7.62mm light machine gun.


Kabilang rin sa pinagkagastusan ng mahigit isang bilyong piso ay ang 160 units ng Base Radio, 6,440 units ng Undershirt Vest, 3,666 units ng 5.56mm ng Nato magazine at 48 units ng Explosive Detection Dog.

Pangungunahan mismo ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang seremonya sa NCRPO Grandstand Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Ang pagbili ng PNP ng mga dagdag kagamitan ay bahagi ng kanilang capability enhancement and modernization program.

Facebook Comments