ISASAPUBLIKO | Narco list sa barangay, ilalabas na ng PDEA ngayong linggo

Manila, Philippines – Ilalabas na sa linggong ito ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatawag na narco list sa barangay.

Sa presscon sa PDEA central office, sinabi ni PDEA Director Aaron Aquino na mismong ang Malacañang na ang nagbigay ng go signal sa paglalabas ng narco list sa barangay.

293 ang orihinal na nasa listahan, pero naibaba na sa 216 dahil karamihan ay naaresto at napatay na.


Makikipag-coordinate ang PDEA sa DILG sa proseso ng pagsasapubliko ng mga pangalan ng narco barangay executives.

Ito ay bahagi pa rin ng listahan na una nang hawak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiniyak naman ni Aquino na ang narco list ay hindi imbento dahil dumaan ito sa validation ng tatlong ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments