Manila, Philippines – Inaasahang ilalabas ngayong araw, May 28 ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang second draft ng terms of reference para sa pagpili ng third telco player sa Pilipinas.
Ayon sa DICT, posibleng pangalanan ang ikatlong player sa Agosto.
Kabilang sa requirements para maging third telco ay:
– Mayroong paid-in capital na aabot sa 10 bilyong piso
– Mayroon nang karanasan sa pagbibigay at telecom services sa nakalipas na limang taon
– Ang congressional franchise ay hindi konektado sa PLDT at Globe
– Walang uncontested liabilities sa National Telecommunications Commission (NTC) mula noong January 31, 2018.
Kaya itinakda ang 10 billion requirement para mabigyan ang third player ng financial capability na makipagkompitensya sa PLDT at Globe.