ISASAPUBLIKO | Senate committee report hinggil sa Universal Healthcare Bill, ilalabas ngayong araw

Manila, Philippines – Nakatakdang ilabas ngayong araw, July 30 ng senate committee on health ang report nito tungkol sa panukalang batas na magtatatag ng Universal Health Care Program.

Ayon kay Committee Chairman, Senador JV Ejercito, isasalang sa review ng mga senador ang panukala at pagkatapos ay pagdedebatehan ito sa plenaryo.

Umaasa si Ejercito na ang pagsesertipika ng Pangulo sa panukala ay mapapabilis ang paglusot nito sa mataas na kapulungan.


Positibo rin ang senador na mapaglalaanan ng gobyerno ng pondo ang mga programang ipapatupad sa ilalim nito.

Posibleng maaprubahan sa Senado ang Universal Healthcare Bill sa Setyembre.

Nabatid na nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) nito na agad ipasa ang panukalang batas.

Sa ngayon, lusot na sa ikatlo’t huling pagbasa ng Kamara ang panukala.

Facebook Comments