ISASARA | MMDA, magde-deploy ng 200 personnel sa charity walk ng INC sa May 6

Manila, Philippines – Isasara sa daloy ng trapiko ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang bahagi ng Roxas Boulevard at ilang lugar sa Maynila at Pasay para sa Worldwide Walk to Fight Poverty ng Iglesia ni Cristo (INC) sa darating na Mayo 6.

Ayon kay Jojo Garcia, MMDA General Manager ang pagsasara ng Roxas Boulevard mula Buendia at P. Burgos sa parehong bahagi sa ganap na alas dose ng madaling araw ng May 5 hanggang alas dyes ng gabi ng Mayo 6.

Apektado ng charity walk ang Quirino Grandstand, Luneta Park, paligid ng Cultural Center of the Philippines Complex, bahagi ng Diosdado Macapagal Avenue, Buendia Avenue, Taft Avenue at Road 10.


Tinatayang nasa isang milyong katao ang dadalo sa nasabing event.

Kasunod nito magde-deploy ang MMDA ng 200 personnel kabilang ang traffic enforcers, road emergency group at roadside clearing group.

Hinihikayat din ng MMDA ang mga lalahok sa naturang aktibidad na wag nang magdala ng sasakyan dahil maliban sa traffic ay malayo ang designated parking area.

Facebook Comments