ISASARA NA | Pagsaksi sa nakatakdang shut down ng nuclear test site sa North Korea, bubuksan sa international community

North Korea – Isasara na ng North Korea ang kanilang nuclear test site sa susunod na buwan.

Ito ang pag-anunsyo ng South Korean presidential office matapos ang makasaysayang pagpupulong nina North Korean Leader Kim Jong-Un at South Korean President Moon Jae-In.

Ayon kay South Korean Presidential Spokesperson Yoon Young Chan, iniimbitahan ng Pyongyang ang mga eksperto at media mula South Korea at Estados Unidos na nais makita ang tuluyang pagsasara sa nuclear site.


Ang hakbang na ito ay bago ang nakatakdang meeting sa pagitan ni Kim at ni US President Donald Trump.

Facebook Comments