ISASAULI | Balangiga bells, maibabalik na sa bansa

Manila, Philippines – Pagkatapos ng 117 taon, maibabalik na sa orihinal na pinagmulan ang Balangiga Bells sa December 15.

Ito ay kasabay ng pagsisimula ng siyam na araw na simbang gabi, tradisyon ng mga katoliko sa bansa tuwing pasko.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, ang tatlong kampana ay darating sa Villamor Airbase sa December 11 na bibigyan ng simpleng military ceremony.


Dagdag pa ng kalihim, nakatanggap siya ng tawag mula kay U.S. Defense Secretary James Mattis hinggil sa schedule ng pagdating ng mga kampana sa bansa.

Hindi pa aniya tiyak kung madadaluhan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte, subalit siniguro nilang maibabalik ito sa bayan ng Balangiga sa Samar kasabay ng misa de gallo.

Higit isang siglo nakalipas, September 28, 1901 ay sumiklab ang Balangiga encounter kung saan kinuha ng mga sundalong Amerikano ang mga kampanya mula sa simbahan ng bayan bilang trophy.

Ito ang naging hudyat para atakehin ng mga Pilipino ang mga mananakop.

Aabot sa 54 na sundalong Amerikano ang namatay noon, subalit aabot naman sa 2,500 Pilipino ang nasawi nang gumanti ang mga kalabang banyaga.

Facebook Comments