Manila, Philippines – Ibabalik ng Bureau of Immigration (BI) ang missionary visa ng Australian nun na si Patricia Fox.
Ito ay matapos ibasura ng Department of Justice (DOJ) ang kautusan nitong i-revoke ang kanyang visa.
Ayon kay BI Spokesperson Dana Krizia Sandoval, maaari na nilang i-reinstate ang visa ng 71-anyos na madre at i-reactivate ang kanyang alien certificate of registration identity card para makapanatili ulit siya sa bansa.
Pero nilinaw ni Sandoval, na kailangang harapin ni Fox ang deportation case na isinampa sa kanya dahil sa pagsasali sa mga political activities ng bansa.
Si Fox ay naging misyonaryo na sa Pilipinas sa higit 27 taon.
Facebook Comments