"ISAW ang DAHILAN"…MAGKAPATID, 10 at 13, NALASON sabi ng Ama

115

Labis-labis ang pagdadalamhati ngayon ng pamilya Alba sa Barangay Lipot bayan ng Milaor, Camarines sur. Dalawang magkapatid na babae, edad 10 at 13 ang magkasunod na namatay nitong nakaraang biernes ng gabi July 6, 2018.
Hanggang ngayon, parang hindi pa rin makapaniwala ang padre-de-pamilya na si Mario Alba ng Zone 3, Barangay Lipot, Milaor, Camarines Sur sa pagkakamatay ng 2 mga anak nito na sina Lyka, edad 10 at May Jane, edad 13.
Isinisisi ni Alba ang kamatayan ng dalawa nitong mga anak sa barbequeng isaw. Ayon kay Alba, pag-uwi ng kanyang mga anak galing sa paglalako ng paninda, bandang alas 5 PM, may binili silang isaw, dala-dala nila ito pag-uwi at kinain pagdating sa bahay. Binigyan din ni Lyka ang nakatatanda niyang kapatid na si Mary Jane na kumain din ng nasabing isaw.
Bandang alas 7 PM, sumama umano ang pakiramdam ni Lyka at tuluyan na itong binawian ng buhay bandang alas 8 ng gabi.
Samantala, si Mary Jane na binigyan din ni Lyka ng isaw ay sumama din ang pakiramdam. Sinikap pa itong dalahin sa Bicol Medical Center subalit sinawimpalad ding binawian ng buhay ang nasabing bata.
Ayon sa pahayag ng kanilang ama, wala naman umanong ibang kinain na nakasasama ang kanyang mga anak kung kaya’t naniniwala siya na ang kinain na isaw ang naging dahilan ng kamatayan ng dalawa niyang mga anak.
Ang isaw ay nilagang bituka ng manok, tinutuhog at isinasalang sa baga bago kainin.
Idinagdag pa ng ama na binigyang din umano ni Lyka ng natitira pang isaw ang nakakatanda nilang kapatid na lalaking si Jay-R. Kinain din umano niya ito ngunit naisuka niya agad ang nasabing pagkain dahil masama daw ang lasa nito.
Kasama mo sa balita, RadyoMaN Paul Santos, Tatak RMN!
photo, for representation purpose only, not the real isaw

Facebook Comments