Isda on the Go, inilunsad ng DA sa QC

Inilunsad ng Department of Agriculture o DA katuwang ang Quezon City Local Government Unit (LGU) at iba pang ahensya ang “Isda on the Go” kung saan makakabili ng mga isda na pasok ang presyo sa suggested retail price.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, layunin ng ‘Isda on the Go’ na matiyak na may sapat na suplay ng isda na mabibili sa abot kayang presyo.

Giit pa ni dar na ang hakbang na ito ay isinagawa para maipatupad ang SRP at hindi abusuhin o samantalahin ang presyo ng mga trader.


Ilan sa mga ibinebenta rito: galunggong na nasa 60 pesos ang kalahating kilo, cream dory nasa 120 pesos ang 900-1000grams, pampano 190 pesos ang 500-600 grams, hipon 180pesos ang 500 grams, ang 1000 grams ng posit at pati na ng mix seafoods nasa 210 pesos.

Bukod sa isda, pag-aaralan din, aniya, ng kagawaran kung posibleng magbenta na rin ng poultry products at iba pang agriculture products.

Sa mga nais na mamili, makikita ang tent ng “Isda on the Go” sa tapat ng city hall malapit sa Elliptical Road.

Facebook Comments