Isdang Lapu-Lapu na kasinglaki ng tao – nabingwit sa Surigao City

Surigao City – Isang isda na halos kasinglaki ng tao ang nahuli sa Surigao City.

May timbang na 130 kilo ang dambuhalang Lapu-Lapu na katumbas ng halos tatlong kabang bigas.

Kwento ng mangingisdang si Cesar Laon, nagpatulong pa siya sa kanyang mga kasamahan para maisakay sa kanyang bangka ang isda.


Ito na raw ang pinakamalaking isda na kanyang nahuli sa ilang taong pangingisda.

Facebook Comments