Batay sa abiso ng kooperatiba, magiging Php 15.5568/kWh ang singil sa residential mula sa dating Php 14.7130 pesos kada kilowatt-hour noong Hulyo 2022.
Sa Low Voltage, magiging Php 14.6815/kWh ang singil kada kilowatt-hour mula sa dating Php 13.8377 kWh at sa High Voltage ay magiging Php 13.0745 mula sa dating singil na 12.3745 noong nakaraang buwan.
Paliwanag ng ISELCO 1, ang pagtaas ng singil sa kuryente ay dahil sa pagtaas ng Generation Charge at iba pa.
Ang itinaas ng generation rate ay Php 0.6158/kWh dahil sa Basic Energy Rate Adjustment dulot ng mga pagbabago sa variable factors tulad ng Foreign Exchange Rates, Consumer Price Index, Global Coal Price Index at iba pa.
Gayundin, nagkaroon ng forced outage ng San Miguel Energy Corporation (SMEC), mula Hulyo 22 hanggang 26, dahil sa pagpapalit ng heat exchanger at strainer ng boiler pump ng Sual Unit 2; kaya, napilitan ang Kooperatiba na kumuha ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Nagresulta ito sa pagtaas ng WESM rate mula Php 13.6214/kWh hanggang Php 17.2532/kWh, at ang SMEC rate mula Php 10.7775/kWh hanggang Php 11.6702/kWh.
Hinikayat naman ng kooperatiba ang lahat na maging masinop sa paggamit ng kuryente.