ISELCO-1, PATULOY ANG POWER RESTORATION SA MGA APEKTADONG LUGAR

CAUAYAN CITY- Patuloy ang ginagawang power restoration ng Isabela Electric Cooperative-1 sa mga apektado ng Bagyong “Nika” at “Pepito” sa kanilang nasasakupan.

Ayon sa ulat na inilabas ng kooperatiba, nasa 68.60% na ang natapos sa lahat ng mga barangay na apektado ng bagyo.

Sa hilagang bahagi na sakop ng kooperatiba na kinabibilangan ng Alicia ay nasa 94.12% na ang energized barangay habang sa Angadanan ay 42.37%, Cabatuan Reina Mercedes, at Luna ay 100%, Cauayan ay 67.69%, at San Guillermo na 26.92%.


Habang sa timog na bahagi naman na kinabibilangan ng Cordon ay nasa 96.15% na ang energized barangay, Echague ay 46.88%, Jones ay 47.62%, Ramon ay 68.42%, San Agustin 80%, San Isidro 69.23%, San Mateo ay 100%, at Santiago City ay 78.38% energized barangay.

Nagpapasalamat naman ang kooperatiba sa mga Member Consumer Owners sa kanilang suporta at pasensya habang patuloy ang kanilang ginagawang power restoration.

Facebook Comments