ISELCO II, Binigyan ng Pagkilala Bilang Nasa Category A ng National Electrification Administration!

109

Cauayan City,Isabela – Binigyan ng pagkilala ng National Electrification Administration o NEA ang Isabela Electric Cooperative o ISELCO II bilang nasa Category A  sa ngayon.

Ayon kay General Manager David Solomon Siquian ng ISELCO II na mayroong naging batayan upang makamit ang nasabing pagkilala.

Ito ay kinapapalooban umano ng maayos na pamamahala hinggil sa pinansyal, institusyonal at technical parameters kung saan ay nasunod ito ng kanyang pamunuan.


Ipinagmalaki pa ni Manager Siquin na naging maganda na ang takbo ng serbisyo ng ISELCO II sa loob ng kanyang pamamahala dahil sa wala itong utang sa generation na mula sa mga malalaking kumpanya at transmission ng koryente mula naman sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP North Luzon.

Ipinagmalaki pa ni General Manager Siquian na simula pa noon na naging kooperatiba ang ISELCO II ay ngayon lamang ito nakatanggap ng isang pagkilala mula sa National Electrification Administratio o NEA.


Facebook Comments