Isidro Lapeña, hawak parin ang tiwala ng pangulo – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na taglay parin ni Technical Education and Skills Development Authority Director General Isidro Lapeña ang buong trust and confidence ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng pagsasampa ng kaso ng National Bureau of Investigasyon sa Department of Justice laban kay Lapeña na may kaugnayan sa pagkakapuslit ng mga magnetic lifters na nakitang may laman na shabu.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, tiwala parin ang Pangulo kay Lapeña dahil nananatili itong inosente batay narin sa saligang batas.


Paliwanag ni Panelo, personal na kilala at nakatrabaho ni Pangulong Duterte si Lapeña kaya malaki ang tiwala nito dito.

Bahala na aniya ang mga korte na magsabi kung may pananagutan si Lapeña at sakali aniyang makitang mayroon itong kasalanan ay ibang istorya na ito para kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments