ISINAGAWA | Defensive Driving and Road Safety Seminar/PNP Campaign Plan Clean Rider Ugnayan, inilunsad sa Pasig City

Manila, Philippines – Naniniwala si Acting Chief of Police ng Pasig City Police Station P/Sr. Supt. Rizalito Gapas na malaking tulong upang mabawasan ang mga nangyayaring krimen sa kanyang nasasakupan na ginagamitan ng motorsiklo ang inilunsad nilang Defensive Driving and Road Safety Seminar/PNP Campaign Plan Clean Rider na ginanap sa Damayan Multi-purpose Hall, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Paliwanag ni Gapas ipinaliwanag nito ang konsepto ng Clean Rider, PNP Campaign plan at ang kahalagahan ng road safety sa kanilang pagmamaneho ng motorsiklo.

Giit ng opisyal kadalasan kasi gimagamit sa krimen ang motorsiklo kaya bumalangkas sila ng mga plano at estratehiya upang maiwasan na mabibiktima ng riding in tandem ang mga residente ng Pasig.


Facebook Comments