Iimbestigahan ng PNP-Internal Affairs Service (IAS) ang ginawang Bigtime Anti-Drug Operation ng Bulacan provincial police kung saan 21 drug personalities ang nasawi.
Sabi ni PNP spokesman Csupt. Dionardo Carlos, Standard Operating Procedure naman ang pagsasagawa ng imbestigasyon lalo na sa malalaking operasyon ng PNP.
At kahit pa umabot sa 21 ang namatay, hindi aniya maituturing na “over kill” ang operasyon.
Alas 7:00 kagabi nang magsimula ang operasyon at natapos lamang kaninang alas otso ng umaga.
Bukod sa mga namatay, 64 na iba pa ang naaresto habang may mga baril, bala at nasa 100 gramo ng shabu ang nakumpiska.
Facebook Comments