ISINAGAWANG BPATS TRAINING, MALAKING TULONG SA MGA TANOD SA LUNGSOD

Cauayan City – Malaking tulong para sa mga tanod sa lungsod ng Cauayan ang isinagawang pagsasanay para sakanila.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Arturo Bonares, Tanod mula sa Brgy. Sillawit, magagamit nila ang kanilang natutunan sa kanilang pagseserbisyo sa kanilang lugar.

Aniya, ilan sa mga tinalakay sa aktibidad na kanilang nilahukan ay ang mga katangian na dapat mayroon ang isang Brgy. Tanod, mga ordinansa at batas na dapat isaalang-alang, at mga kakayahan at kaalaman sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lugar.


Ayon kay Bonares, sa pamamagitan ng mga kaalamang ito ay masisigurong mas magiging epektibo pa ang kanilang pagbabantay at paghahatid serbisyo sa mga mamamayan sa kani-kanilang mga barangay.

Facebook Comments