Isinagawang noise barrage kagabi sa New Bilibid Prison, nauwi sa riot

Manila, Philippines – Pinatotohanan ni Jail Sr. Inspector Xavier Solda, tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology na nagkaroon ng riot sa loob ng Metro Manila District Jail sa loob ng Camp Bagong Diwa Taguig City kagabi

Nauna rito isang nanay ng isang detenido sa Metro Manila District Jail ang nagbigay ng impormasyon sa nangyaring riot.
Pero hindi siya makakuha ng kumpletong detalye mula sa mga bantay.

Kahit si Jail Sr. Inspector Xavier Solda ay walang maibigay na detalyadong nangyari.


Kulang pa siya ng impormasyon dahil sa abala pa ang mga jail guard sa paghawak sa sitwasyon.

Nagsimula aniya ito sa isang noise barrage bandang ng 6:50 kagabi na nauwi sa kaguluhan at tumagal ng mahigit 2 oras.

Wala ring kumpirmasyon ang opisyal kung may nasawi o nasaktan sa naganap na riot.
DZXL558, Mike Goyagoy

Facebook Comments