Nagpakita ng positibong resulta ang trials na isinagawa sa herbal medicine na lagundi bilang gamot laban sa COVID-19.
Ayon kay Philippine Council for Health Research and Development Director Jaime Montoya, ang pag-aaral gamit ang lagundi para sa mga COVID-19 patient na mayroong mild symptoms ay natapos na noong kalagitnaan ng Setyembre sa 278 pasyente mula sa pitong quarantine facilities.
Aniya, ang lagundi ay mayroong anti-viral properties para sa cough remedy at sinuri rin kung papaano ito makakagamot laban sa COVID-19.
Nilinaw naman ni Montoya na ang herbal medicines ay ikinokonsidera lang bilang adjunctive treatment at hindi substitute sa standard care para sa COVID-19 patients.
Facebook Comments