Kumbinsido ang Department of Transportation (DOTr) na naiparating ng ikinasang unity walk ng mga kooperatiba ng transportasyon ang kanilang mensahe sa Malacañang.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DOTr Usec. Jesus Ferdinand Ortega na naging matagumpay ang unity walk kahapon.
Hindi rin daw ito nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko at maaga ring tinapos ng Magnificent 7 ang kanilang programa.
Ayon kay Ortega, sa kabila ng unity walk, nagtulong-tulong naman ang inter-agency task force tulad ng DOTr, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at iba pang ahensiya ng pamahalaan para matulungan ang mga pasahero sa maayos nilang pagbiyahe.
Ang unity walk ay isinagawa ng mga transport group para tutulan ang suspensyon ng Public Utility Vehicles (PUV) Modernization program.