ISINAILALIM | Luzon grid, dalawang oras na isinailalim sa yellow alert

Manila, Philippines – Dalawang oras na isinailalim sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Kasunod ito ng hindi inaasahang shutdown ng ilang power plants at dahil na rin sa mataas na demand sa kuryente.

Umiral ang yellow alert mula kaninang ala una hanggang alas tres ng hapon.


Payo naman ng mga electric company – magtipid sa pagkonsumo ng kuryente.

Facebook Comments