Isinailalim na ang lalawigan ng Bohol sa community quarantine bilang pag-iingat sa COVID-19

Ayon kay Bohol Gov. Arthur Yap, nilagdaan na niya ang executive order na nagdedeklara ng pansamantalang pagsasara ng kanilang mga border sa loob ng apat na araw, mula March 16 hanggang March 20.

Sa ilalim nito, hindi tatanggap ang probinsya ng sinumang bisita mula sa mga lugar na nasa labas ng Bohol.

Sinuspinde rin ang mga malalaking gatherings.


Paglilinaw ni Gov. Yap na ang kanyang direktiba ay hindi maituturing na lockdown dahil ang mga residente ay pinapayagan pa ring makalabas ng probinsya pero pinayuhan na gawin ang social distancing.

Facebook Comments