Manila, Philippines – Apat na miyembro ng House of Representatives ang nagsumite ng panukalang batas para maging Pinoy ang resident import ng Barangay Ginebra na si Justine Brownlee.
Sa bill nina 1-Pacman Partylist Representative Mikee Romero, kasama sina Congressman Enrico Pineda, Erico Aumentado at Scott Davies Lanete, sinabi nila na karapat-dapat maging Pinoy si Brownlee dahil na rin sa magandang ipinapakita nito sa loob at labas ng hardcourt.
Bukod pa rito mismong si Brownlee ang nagsabi na nais nitong maglaro para sa Gilas Pilipinas at tuluyan nang manirahan sa bansa.
Naniniwala si Romero na maaayos sa lalong madaling panahon ang mga papeles ni Brownlee.
Facebook Comments