ISINALBA | Ilang smuggled na mamahaling sasakyan isinalba ni PRRD sa pagkasira para ipagamit sa pulis at militar

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya ipinasama sa mga sisiraing smuggled luxury vehicles ang mahigit 10 hummer SUVs at ilang van.

Matatandaan na aabot sa mahigit 277 milyong piso ang kabuoang halaga ng mga mamahaling sasakyan ang sinira sa Port Irene sa Sta. Ana Cagayan noong nakaraang Lunes.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati kahapon sa anibersaryo ng National Intelligence Coordinating Agency ay ibibigay nalang niya sa Philippine National Police at sa armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga hummer para mapakinabangan ang mga ito ng mga sundalo at mga pulis.


Ang mga van naman aniya ay ibibigay nalang niya sa Local Government Units (LGUs) sa Cagayan para magamit din ng mga empleyado ng pamahalaan.

Inatasan ni Pangulong Duterte si Cagayan Economic Zone Authority Administrator Raul Lambino na magsulat ng liham at ibigay sa kanyang tanggapan para maisapormal na ang pagbibigay ng mga mamahaling mga sasakyan.

Facebook Comments