Manila, Philippines – Isinama ni Pangulong Rodrigo Duterte si Secretary to the Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. sa binuo niyang komite na siyang kakausap sa mga religous groups matapos batikusin ng ilang sector ang kanyang pahayag patungkol sa Diyos.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kagabi lang ipinaalam sa kanya ng Malacañang na ginawa nang apat ni Pangulong Durterte ang grupo na kanyang kinabibilangan.
Sinabi din naman ni Roque na wala siyang idea kung ano ang dahilan ni Pangulong Duterte kung bakit ito itinalaga.
Pero sinabi ni Roque na malaki ang maitutulong ni Evasco sa kanilang grupo sa pakikipag dayalogo sa mga religious groups dahil dating pari si Evasco.
Paliwanag ni Roque, kabisado ni Evasco ang dogma o ang turo at posisyon ng simbahang Katoliko kaya maganda na kasama na si Evasco sa komite na kakausap sa simbahan.