Isinampang kaso ng kampo ni Edgar Matobato laban kay Pangulong Duterte, walang basehan at bahagi lamang ng black propaganda ayon kay Panelo

Manila, Philippines – Naniniwala si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na walang basehan at bahagi lamang ng black propaganda ang isinampang kaso ng abogado ni Edgar Matobato na si Atty. Jude Sabio sa International Criminal Court (ICC) laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Panelo – hindi pasok sa ICC ang crime against humanity dahil malinaw na ang extrajudicial killings ay kagagawan ng mga taong nasa likod ng sindikato ng illegal na droga at sila-sila ang nagpapatayan na.

Layunin aniya ng war on drugs ng Pangulo ay protektahan lamang ang Pilipinas.


Kumpiyansa si Panelo na ibabasura lamang ang reklamo.

Gayunman, nakahanda ang malakanyang na sagutin ang asunto sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General.
DZXL558

Facebook Comments