Isinampang kaso ng PCGG laban kina dating Pangulong Ferdinand Marcos, ibinasura ng Sandiganbayan

Makalipas ang 34 na taon ay ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong isinampa ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) kina dating Pangulong Ferdinand Marcos at dating First Lady Imelda Marcos.

Batay sa desisyong inilabas ng Sandiganbayan Fourth Division, nakasaad dito na nabigo ang PCGG na ilatag ang mga matibay na ebidensya upang patunayan ang kanilang mga alegasyon.

Nabatid na noon pang Hulyo 22, 1987 inihain ang mga nasabing reklamo kaugnay sa sinasabing ill-gotten wealth na nakuha ng pamilya Marcos at kanilang cronies noong panahon ng kanilang panunungkulan.


Inakusahan din ng PCGG ang dalawang negosyanteng sina Ricardo Silverio Sr., Pablo Carlos Jr., na nagbayad ng malaking halaga sa mga Marcos para makuha ang kontrata noon sa Kawasaki Scrap Loaders at Toyota Rear Dump Trucks.

Facebook Comments