Isinampang patong-patong na kaso laban kay dating BOC chair Faeldon, isang personal na bagay – Senator Lacson

Manila, Philippines – Aminado si Senator Panfilo Lacson na personal ang kaniyang pagsasampa ng patong-patong na mga kaso sa Ombudsman laban kay dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Kabilang sa mga kasong isinampa ni Lacson ay paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Grave Misconduct at paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Nag-ugat ang kaso sa pagpapasok ni Faeldon ng mga puslit o smuggled rice sa Cagayan De Oro.


Ayon kay Lacson, personal ang obsesyon niya na usigin si Faeldon na tinawag niyang ipokrito.

Nagmamalinis aniya ito pero sangkot naman sa nakikinabang sa tara system sa Bureau of Customs.

Tugon niya ito sa paulit-ulit na hamon ni Faeldon na kasuhan siya.

Mga tauhan din ng BOC na unang nag-alerto at humiling ng request for abandonment sa mga nabanggit kargamento ang nakahandang magtestigo laban kay Faeldon.

Maliban dito, inaantay din ng kaniyang opisina ang mga dagdag na dokumento at affidavits para mapalakas ang kaso niya laban kay Faeldon.

Facebook Comments