ISINANTABI | Reklamo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC, minaliit ng Malacañang

Manila, Philippines – Isinantabi lang ng Palasyo ng malacanang ang isa nanamang reklamo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC.

Ngayong araw kasi ay naghain ng reklamo na crime against humanity sa ICC ang mga pamilya ng mga umanoy biktima ng extrajudicial killings na reaulta umano ng anti-drug war.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi naman ito maicoconsiderang reklamo dahil ito ay isang communication pa lamang sa ICC dahil kailangan pa itong tugunan ng international court.


Para kay Roque ay wala din itong saysay dahil hindi naman ito magtatagumpay sa ICC dahil hindi naman ito dapat gumalaw hanggang mapatunayan na walang ginagawang aksyon ang mga korte sa bansa.

Facebook Comments