ISINAPUBLIKO | Composite sketch ng 2 sa 4 na suspek sa pagpatay sa isang prosecutor sa Quezon City, inilabas na

Manila, Philippines – Naglabas na ang Quezon City Police District ng composite sketch ng dalawa sa apat na suspek sa pananambang kay Deputy Prosecutor Rogelio Velasco sa Barangay Holy Spirit noong Biyernes.

Ayon kay QCPD Director C/ Supt. Joselito Esquivel – ang facial composite ay base sa paglalarawan ng security guard na nakasaksi sa ambush.

Kayumanggi ang dalawang suspek at may taas na 5’7” at 5’6”.


Isa sa kanila ay nakasuot ng face mask habang ang isa ay nakasuot ng itim na jacket.

Inatasan na ng QCPD ang special investigation task group para tumutok sa imbestigasyon ng pagpatay kay Velasco.

Nagmamaneho ng pulang Toyota Innova si Velasco kasama ang dalawa niyang anak nang tambangan sila ng apat na lalaking sakay naman ng putting Toyota Innova.

Work-related ang isa sa mga motibong nakikita ng pulisya sa krimen.

Facebook Comments