Manila, Philippines – Naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng brand names ng mga firecrackers at pyrotechnics na ligtas bilhin ng publiko ngayong holiday season.
Layon ng DTI na maging ligtas ang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon habang ginugunita ito.
Katunayan naglabas ito ng 23 pangalan ng kumpanya na lihetimong gumagawa ng iba’t-ibang uri ng firecrackers at pyrotechnics devices at mga brand name na maaaring pagpilian ng publiko.
Ilan sa mga brand name na aprubado ng DTI at Bureau of Philippine Standards ay ang mga sumusunod:
1. Age fireworks
2. Diamond
3. Double L
4. Dragon
5. Lion Fireworks
6. Holden Leopard King
7. L.F.Fireworks
8. Madz
9. Nation
10. Pegasus
11. Wow Fireworks
12. Yangco Fireworks at iba pa
Bago bumili ng mga paputok kailangang hanapin sa packaging ang tatak na Philippine Standard o PS mark para matiyak na ligtas ito.